Friday, February 1, 2019

My Trading Journey

Hindi ko alam kung paano ko sisimulan itong blog na to. Ang gusto ko lang naman is i-document ang journey ko sa trading. For me i am still a newbie sa industry na ito pero hindi na ako bago sa stock market. 

Way back college fascinated na ako sa stock market at kung paano nito kayang baguhin ang buhay ng isang tao. Since then gusto ko na pasukin ang stock market. 

Entrep student ako sa UE Caloocan. May t-shirt printing project kami ng partner ko nun at kumita kami ng mejo malaki. Yun ang ginamit kong kapital para mapasok ko ng stock market as investor. That was way back 2014. Lagi akong nagbabasa ng dyaryo para makibalita. Ang liit lang ng capital ko nun, 5K lang. After 3yrs umabot ng 40% yung profit gain ko. Pure investment lang like invest and forget.


I am so proud on what I achieved from investing in stock market. Unfortunately, yung kinita ko dyan ay ubos na. hahaha! Nawala ako sa trading industry dahil kailangan ko magtrabaho. #pordapamili 

Still, hindi nawawala sa isip ko na one day magiging trader ako. Gusto ko maging magaling na trader. 

2017: when the technical analysis was introduce to me. I was also told about investagrams. Sabi sa akin ng tropa ko "try mo kaya pag-aralan yung technical analysis. Gamitin mo yung investagrams para magpractice ng pagbasa na charts and trends..". December 24, 2017 nung nagsession kami at dun ko nakilala si Candle na my mood swing, minsan good mood sa green at bad mood sa red. Yung kambal na si Up at Down trend. Yung magtotropang MA 20, 50 at 100. Simula noon, lagi ko na silang kasama. 

 Nagsimula akong mag aral ng charts and trends. Pinanood ko yung mga video ni lodi MG, binasa ko yung blog ng legendary sanin na si Zeafreak. Hanggang nakilala ko na yung iba pang mabalasik sa trading.

December 28, 2018: nagresign ako para magleap of faith. With my little capital, tiwala sa sarili at suporta ng mahal ko sa buhay nag umpisa uli ang journey ko sa trading. Now! this is "My Trading Journey".


No comments: